
Kinumpirma ni Senador JV Ejercito na natanggap niya ang kopya ng ethics complaint laban sa kaniya na inihain ni Attorney Marvin Aceron. Sa social media post ng abugado, sinabi ni Aceron na inihain niya ang reklamo sa Senate Committee on Ethics and Privileges.

Plano ni Sen. Panfilo Lacson na imbitahan si dating House Speaker at Leyte First District Representative Martin Romualdez sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Dismayado ang Makabayan bloc lawmakers at complainants mula sa progressive at civil society groups nang hindi tanggapin ng Office of the House Secretary-General ang kanilang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. araw ng Huwebes, January 22.

Walang nilabag na anumang batas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang paninindigan ng palasyo kasunod ng pagsasampa ng Makabayan bloc ng panibagong impeachment complaint laban sa pangulo.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/