
Hindi inaalis ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad ng pagdulog sa Korte Suprema.
Ito ay upang kuwestiyunin ang constitutionality ng impeachment proceedings na isinasagawa ng House Committee on Justice.

Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry at Department of Energy para matutukan ang posibleng pananamantala ng ilang negosyante sa presyo ng produktong petrolyo at basic commodities.

Nababahala ang Taiwan na maaaring samantalahin ng China ang pagiging abala ng Estados Unidos sa giyera sa Gitnang Silangan upang palakasin ang presyon sa isla.
Ayon sa mga opisyal, muling pinalakas ng Beijing ang military activities malapit sa Taiwan habang inilipat ng US ang ilang puwersa nito sa ibang rehiyon.

Nagbabala ang Department of Agriculture na maaaring tumaas ang presyo ng pagkain dahil sa epekto ng tensyon sa gitnang silangan sa logistics at farm inputs tulad ng pataba.
Tiniyak naman ng DA na handa ang pamahalaan na mag-import at magbaba ng taripa kung kinakailangan upang mapanatili ang sapat at abot-kayang suplay ng pagkain.

Inaprubahan na ng pamahalaan ang 20-billion-peso emergency fund para sa Department of Energy upang tugunan ang krisis sa suplay ng langis.
Ayon sa DBM, layunin nitong mapalakas ang buffer stock habang patuloy ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.