
Inaakusahan ng White House ang Democratic leaders sa Minnesota na nasa likod umano ng lumalalang gulo sa estado.
Ito ay kasunod ng pamamaril ng isang ICE agent na muling nagpasiklab ng malawakang protesta laban sa immigration crackdown ng Trump administration.

Ligtas nang nakauwi kahapon ng umaga ang 15 Pilipinong tripulante ng lumubog na M/V Devon Bay.
Subalit giit ng Philippine Navy, hindi sapat ang isang rescue operation para mabura ang daan-daang insidente ng agresibo at ilegal na presensya ng mga barko ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Isiniwalat sa pagdinig ng Senado ang mga unregistered at pekeng gamot na mabibili sa iba't ibang merkado.
Tiniyak naman ng Food and Drug Administration na nagtatrabaho sila nang sobra at higit sa limitasyon laban sa mga pekeng produkto.

Limitado muna ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa labas ng palasyo bilang pagsunod sa payo ng kanyang doktor.
Ayon sa Malacañang, nasa mabuting kalagayan naman si PBBM at tuloy-tuloy ang kanyang trabaho kahit may iniindang sakit na diverticulitis.

Natagpuan ng mga awtoridad ang 2 pang sasakyan ni Zaldy Co sa kanyang property sa Albay.
Ayon kay Philippine National Police – Highway Patrol Group Director PBGen. Hansel Marantan, ang mga ito ay kinabibilangan ng isang Fortuner at isang Cadillac.