
Hindi mai-aalis ang posibilidad na dumaan sa backdoor exit ang negosyanteng si Charlie Atong Ang. Batay ito sa ulat ng Bureau of Immigration.
Subalit hanggang ngayon, naniniwala ang ahensya na nasa bansa pa rin ito.

Nakauwi na ang 349 Filipino repatriates mula sa United Arab Emirates sakay ng 5th chartered flight ng gobyerno.

Bumisita sa headquarters ng Philippine Coast Guard nitong March 25 ang founder at executive director ng Sealight Foundation na si Raymond Powell.
Si Powell ay kilalang naglalabas ng update ng paggalaw ng mga barko ng China at Pilipinas, maging ang mga insidente ng agresyon sa West Philippine Sea.

Nagsagawa ngayong umaga ng pamamahagi ng fuel subsidy sa mga UV Express driver ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Isinagawa ito sa mismong Central Office ng regulatory board sa Quezon City.

Sugatan ang isang rider nang mabangga ng isa pang motorsiklo sa Maynila.
Samantala, nagtamo rin ng sugat ang dalawang magkaibigan nang mabangga ng truck sa Bacolod City na hindi man lang hinintuan ng truck na nakabangga sa kanila. Kapwa nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang nasabing mga insidente.