
Pinangalanan ng International Criminal Court o ICC ang mga umano'y naging kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa war on drugs.
Nasa official website ng ICC ang 16-page na dokumento ng ulat kung paano naging sangkot ang mga pinangalanang indibidwal.

Naninindigan si Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng posisyon o pagkuwestiyon sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sa harap ito ng reklamong isinampa laban sa kanya sa Korte Suprema.

Nagpahayag ng matinding pangamba si Vice President Sara Duterte sa kinabukasan ng bansa dahil sa umano’y kawalang-aksyon ng administrasyon na mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Matatag ang pananaw ng Department of Foreign Affairs na sakop ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group.
Ito ang nilinaw ni DFA Maritime Affairs Spokesperson Rogelio Villanueva Jr., kasunod ng mga umano'y 'misconceptions' o mga maling akala tungkol sa naturang mga isla.

Nagpahayag kapwa ng pagnanais sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na mapatibay pa ang ugnayan ng Pilipinas at China.
Ito ay sa gitna ng nangyayaring girian sa pagitan ng Chinese embassy officials at ng ilang senador.