
Epektibo na ngayong April 1 ang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa ilang rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio Jr., bagama’t walang national wage increase, may ipinatupad na wage orders ang mga regional wage boards matapos ang konsultasyon.

Plano ng Israel na gibain ang mga bahay sa South Lebanon sakaling tuluyang makontrol ang lugar, ayon sa defense minister nito.
Dagdag pa, hindi na papayagang makabalik ang mga lumikas na residente dahil gagawin itong bahagi ng pinalawak na security zone.
Binatikos naman ng ilang bansa ang anila’y ilegal na pagpasok ng Israel sa lugar.

Sinabi ni U.S. President Donald Trump na ipauubaya na sa ibang bansa ang seguridad sa Strait of Hormuz sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon.
Ito ay kasunod ng pahayag ng Pangulo na malapit nang tapusin ng Amerika ang misyon nito laban sa Iran, habang inihayag din ang pagkadismaya sa ilang kaalyado na hindi tumulong sa kampanya kontra Tehran.

Aalis na umano ang tropa ng Estados Unidos sa Gulf region sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, ayon kay U.S. President Donald Trump, kasunod ng nagpapatuloy na military operations laban sa Iran.
Ayon sa Pangulo, nakamit na ng Amerika ang pangunahing layunin ng operasyon – ang pahinain ang kakayahan ng Iran na makabuo ng nuclear weapons, kaya posibleng matapos na rin ang presensya ng US forces sa rehiyon.

Epektibo na ngayong araw ang mas mataas na fuel surcharge sa mga biyahe ng eroplano kaugnay ng patuloy na krisis sa produktong petrolyo.
Samantala, ilang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nahulihan pa rin ng mga ipinagbabawal na bagay.