
Nagtakda ng pinakabagong 48-hour deadline si US President Donald Trump na diretsang nag-uutos sa Iran na makipagkasundo o agad na buksan ang Strait of Hormuz.
Sa kaniyang post sa social media platform na Truth Social noong Sabado, nagbanta si Trump na kung hindi susunod ang Tehran, haharap ito sa matinding kaparusahan.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbibigay ng agarang tulong sa mga repatriated workers, inaprubahan na ng Pag-IBIG ang special benefit package para sa mga qualified repatriated Overseas Filipino Workers o OFW.

Ipinaliwanag ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na ang pagpayag ng Iran sa ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz ng barkong maghahatid ng suplay ng langis sa Pilipinas ay bahagi lamang ng risk management na ginagawa ng ating pamahalaan upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay nito sa bansa.

Muling nagbabala ang Malacañang sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa online ukol sa sitwasyon ng enerhiya sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office, hindi maaaring kunsintihin at nararapat lamang na aksyunan ng gobyerno ang mga nagpapakalat ng fake news.

Nakipagpulong ang ilang opisyal ng Pilipinas sa mga opisyal ng Iran upang hilingin na makadaan nang ligtas sa Strait of Hormuz ang mga barkong may dalang langis para sa Pilipinas.