Muling nagbabala ang Malacañang sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa online ukol sa sitwasyon ng enerhiya sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office, hindi maaaring kunsintihin at nararapat lamang na aksyunan ng gobyerno ang mga nagpapakalat ng fake news.






















