
Napaulat na pinag-uusapan na ng Estados Unidos, Iran, at ilang regional mediators ang two-phase deal para sa tuluyang pagtatapos ng tensyon sa Middle East.

Hinihintay ng pamunuan ng Barangay Sacred Heart at ng complainant ang aksyon ng Quezon City Government laban sa nadiskubreng imbakan ng krudo sa ilang pasilidad sa lugar.

Ilang ospital sa Pilipinas ang tumanggap ng parangal sa taunang Healthcare Asia Awards na ginanap sa bansang Singapore.
Ang nasabing karangalan ay pagkilala sa mga makabagong inisyatibo ng mga ospital upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa publiko.

Huhulihin na ang mga nag-iinuman sa kalye, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Bahagi ito ng kampanya ng ahensya upang mas mapababa ang crime rate.

Patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na nagmula sa pagbabakasyon sa iba't ibang probinsya.
Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan din ang pagdagsa ng maraming pasahero ngayong araw sa pagbabalik sa Maynila.