
Ibinahagi ni Senator Erwin Tulfo, Chairperson ng Committee on Foreign Relations na kabilang sa mga natalakay sa pag-uusap nila ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan ang inaasahang kooperasyon sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard.

Dalawang bagong barkong pagdigma ng Philippine Navy ang maaari nang gamitin simula ngayong araw.
Makatutulong ang mga ito sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa.

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang modernong command center ng National Irrigation Administration (NIA) sa Quezon City kanina.
Bahagi ito ng modernisasyon ng ahensya para sa mas epektibong koordinasyon at mabilis na pagkuha ng impormasyon.

Nilinaw sa Department of Labor and Employment na ituturing na ordinaryong working day ang February 25, kaugnay ng EDSA People Power anniversary.
Ibig sabihin, regular na sahod at benepisyo ang makukuha ng mga manggagawa na papasok sa nasabing petsa.

Naghain ng isang resolusyon sa Kamara ang Liberal Party bloc, kasama ang apo ni Ninoy Aquino na si Kiko Dee. ng House Resolution 8028 o EDSA People Power Revolution Day Act ay naglalayong isulong ang pagdedeklara ng February 25 bilang regular non-working holiday taun-taon.