
Dalawang lugar sa bansa ang posibleng umabot sa 42 degrees Celsius o danger level heat index ngayong araw, April 8.
Maaaring magdulot ng iba't ibang heat-related illnesses ang danger level heat index, kabilang na ang heat stroke.

Mataas ang tyansa na maging bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Resposibility.
Ayon sa PAGASA, maaari itong maging ganap na bagyo sa loob ng 24 oras.

Naglabas ng mahigpit na babala ang Presidential Communications Office o PCO laban sa mga indibidwal na sadyang gumagawa ng mga pekeng balita sa internet, lalo na ngayong panahon ng energy emergency.
Sinimulan ng PCO ang hakbang para kasuhan ang taong nasa likod ng isang facebook page na nagpapakalat umano ng maling impormasyon.

Dinaluhan nga ng ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kauna-unahang pagpupulong ng 13 House committees sa gitna ng national energy emergency dahil sa tensyon sa Middle East na nagpataas sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Tinatawag ang 13 house panels na Legislative Energy Action Development o LEAD Council.

Sinimulan na ngayong araw sa Senado ang pagdinig hinggil sa matinding epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa sektor ng agrikultura at pangingisda sa bansa.
Kasama sa natalakay ang epekto ng pagsasara ng Strait of Hormuz dahil doon anila dumadaan ang 30-40% ng supply ng pataba.