
Nag-ikot ang mga tauhan ng Quezon City Police District o qcpd sa mga barangay para sa Oplan Bandillo o public announcement.
Ito'y may kaugnayan sa mahigpit na implementasyon ng mga ordinansa sa lungsod.

Humarap ngayon sa korte ang state witness na si Sally Santos para sa bail hearing nina dating Senador Ramon Bong Revilla Jr., Brice Hernandez, at iba pang kapwa akusado.
Sa kalagitnaan ng cross-examination, itinuro ni Santos si dating District Engineer Brice Hernandez sa isyu ng flood control scam.

Tinuligsa ng isang kongresista ang pagtakbo sa Korte Suprema ni Vice President Sara Duterte upang patigilin ang impeachment proceedings sa Kamara.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, tila desperado ang kampo ng bise presidente na ipatigil ang pag-iimbestiga sa kanya.

Kinumpirma ng defense team ni Vice President Sara Duterte na naghain sila ng petisyon sa Supreme Court upang ipatigil ang impeachment proceedings sa Kamara.

Walang price increase o pagtaas ng presyo ng basic necessities at prime commodities hanggang sa April 30.
Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque, nasa 205 na mga produkto na nasa kanilang listahan na walang taas-presyo.