Back

UNTV News and Rescue

1:40
Politics

Resolusyon na layong alisin ang 'Give-Up' Kalayaan remarks ni Sen. Marcoleta, ipinagpaliban ng CA

February 26, 2026 8:36 AM
PST

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments o CA ang desisyon kaugnay ng hiling na burahin sa record ang pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta tungkol sa Kalayaan Island Group.

Magugunitang umani ng batikos si Sen. Rodante Marcoleta matapos nitong magmungkahi sa isang hearing noong February 4 na tila dapat nang “isuko” o i-give up ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group.

1:38
Politics

Bank Secrecy Law, may exception sa impeachment cases ayon kay Rep. Flores

February 26, 2026 8:36 AM
PST

Iginiit ni House Justice Committee Vice Chairperson at Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na may exception sa Bank Secrecy Law ang impeachment case.

Ito ang sagot ng kongresista nang tanungin kung maaaring buksan ang bank records ni Vice President Duterte.

1:36
Politics

AFP, wala umanong kinalaman sa ex-Marines sa flood control scandal exposé

February 26, 2026 8:35 AM
PST

Walang kinalaman ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bagamat sinusuportahan nila ang pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian, dapat pa rin itong idaan sa tama at legal na proseso.

1:59
Politics

Alegasyong cash deliveries sa ilang House members, kinondena

February 26, 2026 8:34 AM
PST

Kinondena ng ilang House members ang alegasyong cash deliveries sa kanila ng ilang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.

Kung sina House Deputy Speaker–La Union 1st District Rep. Paolo Ortega at House Asst. Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang tatanungin, hindi na dapat na pansinin ang mga alegasyon ng mga sinasabing dating tauhan ng Philippine Marine Corps.

2:56
Politics

Resolusyong magbibigay ng suporta sa Ukraine laban sa Russia, pinirmahan ng 107 na bansa

February 25, 2026 9:25 PM
PST

Mahigit isandaang bansa ang nagpahayag ng suporta sa pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.

Kasabay ng ikaapat na anibersaryo ng Russian invasion sa Ukraine, isang resolusyon ang pinagtibay ng United Nations na naglalayong wakasan na ang marahas na pananakop ng Russia sa Ukraine.