
Ipinagtanggol ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pahayag ng tagapagsalita ng Office of the Vice President na si Atty. Paolo Panelo.
Ayon sa Malacañang, inakusahan ni Atty. Panelo ang PBBM administration na ipinapasa umano sa dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi sa mga problema ng bansa.

Nasa Singapore na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa limang araw na working visit.
Ayon sa Pangulo, pangunahing layunin ng kaniyang pagbabalik sa Singapore ang paghikayat sa mga potensyal na mamuhunan sa Pilipinas.

Isang binatilyo ang nasugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Davao City na agad na nirespondehan ng UNTV News and Rescue.

Sinuri sa impeachment trial ang joint account sa BPI ng mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Inusisa ang mga transaksyon sa account, kabilang ang time deposits at manager’s check purchase transactions mula 2010. Gayunman, natukoy na walang pirma ang Bise Presidente.