
-Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dumating na sa Singapore para sa 5-day working visit
-₱73 million confidential funds ng Office of the Vice President, pinal nang dinisallow ng COA
-Rep. Leandro Leviste, maikokonsidera umanong pugante sa batas ayon sa NBI Director; DOJ, wala pang nakikitang dahilan para kanselahin ang passport ni Leviste

Nagkamalay na at nakapagsasalita na ang execution survivor mula Tennessee na si Christa Pike matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa ospital.
Pansamantala namang itinigil ng Tennessee ang mga execution habang iniimbestigahan kung bakit hindi tumalab ang dalawang lethal dose na itinurok kay Pike.

Pormal nang humiling ang World Health Organization sa Russia ng karagdagang impormasyon kaugnay ng pagkamatay ng isang laboratory worker sa Siberia.
Kasunod ito ng mga ulat na may isa pa umanong namatay dahil sa kaparehong sakit.
Gayunman, mahigpit na pinabulaanan ng Russia na may kumpirmadong kaso ng plague, at wala ring beripikasyon sa sinasabing pangalawang kaso nito.

Negatibo sa drug test si Vice Mayor Harold Respicio.
Isinagawa niya ang drug test matapos siyang paghininalaang gumagamit ng droga ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Sa isang mensahe, binati naman ni Sec. Remulla ang vice mayor, at sinabing totoo na talaga na natural ang “sayad sa utak’” nito.

Dumulog na sa Korte Suprema sina Senador Bong Go at Senador Robin Padilla kaugnay sa desisyon ng Senate impeachment court sa bilang ng botong kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte.