Back

UNTV News and Rescue

3:03
Politics

Ukraine, nauubusan na ng missiles; air defense nakasalalay sa mga kaalyado

June 3, 2026 8:22 PM
PST

Nangangamba ang Ukraine sa posibilidad ng mas matitinding pag-atake ng Russia habang patuloy na nababawasan ang kanilang air assets at kakayahang depensahan ang himpapawid.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, umaasa na lamang sila sa tulong ng mga kaalyadong bansa upang mapalakas ang kanilang air defense at maharang ang mga missile ng Russia.

‍

3:19
Politics

US na umano'y 'nagmamakaawa' sa Iran para sa kasunduan, pinabulaanan ni Sec. Rubio

June 7, 2026 9:49 PM
PST

Mariing itinanggi ni U.S. Secretary of State Marco Rubio ang paratang ng isang U.S. senator na tila nagmamakaawa ang Estados Unidos upang mahikayat ang Iran na pumayag sa isang kasunduan.

Pinabulaanan din ni Rubio ang mga ulat na tuluyan nang tumigil ang Iran sa pakikipagnegosasyon sa Amerika.

‍

1:05
Politics

HUWAG KUKURAP: SP Cayetano at Sen. Marcoleta, nanawagan ng suporta para sa katotohanan sa Senado

June 3, 2026 8:21 PM
PST

Nanawagan sina Senate President Alan Peter Cayetano at Sen. Rodante Marcoleta sa publiko na maging mapagmatyag sa mga susunod na pangyayari sa Senado habang nagpapatuloy ang mga pagdinig kaugnay ng integridad at korapsyon sa bansa.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Marcoleta ang mamamayan na bantayang mabuti ang mga magaganap at suportahan ang paghahanap ng katotohanan sa gitna ng mahahalagang usaping tinatalakay sa Senado.

‍

4:40
Politics

Ilang legal options, pinag-aaralan ni PBBM para solusyunan ang Senate impasse

June 3, 2026 8:20 PM
PST

Hindi na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sitwasyon sa Senado matapos maantala ang mga gawain nito dahil sa kawalan ng sapat na bilang ng mga senador na dumadalo sa sesyon.

Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga kasalukuyang pinag-aaralan ng Malacañang ang ilang legal na opsyon upang matugunan ang Senate impasse at maipagpatuloy ang trabaho ng kapulungan.

‍

58:14
Crime & Investigation
Entertainment
Health & Lifestyle
Lifestyle
Politics

UNTV: C-NEWS | June 03, 2026

June 3, 2026 2:36 PM
PST

-SP Cayetano, Sen. Padilla at suspendidong OSAA chief Aplasca, inireklamo sa Ombudsman

-Liderato ni SP Alan Peter Cayetano, binatikos dahil sa dalawang araw na no-show sa plenaryo

-Pagpapatalsik ng Kamara kay Cong. Kiko Barzaga, isinisi kay PBBM