Back

UNTV News and Rescue

0:51
Politics

King Charles, bibisita sa US upang mapalakas ang ugnayan ng UK kay Trump

April 16, 2026 11:45 AM
PST

Bibiyahe si King Charles III sa Estados Unidos upang makipagpulong kay US President Donald Trump.  

Layunin ng pagbisita na maibalik ang matibay na ugnayan ng UK at US sa gitna ng tensyon dulot ng giyera sa Middle East.

1:33
Politics

Israel, tatalakayin ang posibleng ceasefire sa Lebanon

April 16, 2026 11:45 AM
PST

Pag-uusapan ng pamahalaan ng Israel ngayong araw, April 16, ang posibleng ceasefire sa Lebanon kasunod ng nangyaring direktang pag-uusap ng mga kinatawan ng Israel at Lebanon sa Washington kahapon.  

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang palitan ng pag-atake ng Israeli Defense Force at grupong Hezbollah sa Lebanon na ikinasawi na ng hindi bababa sa 2,000 indibidwal kabilang ang maraming bata.

2:56
Politics

Iran, nagbanta laban sa US kung hindi nito ihihinto ang blockade sa Strait of Hormuz

April 16, 2026 11:45 AM
PST

Muling nagbanta ang Iran laban sa nagpapatuloy na blockade ng United States sa Strait of Hormuz.  

Samantala, nagpahayag naman ang Russia ng kahandaan nitong tumulong sa China na apektado ng naturang blockade.

2:36
Politics

Digmaan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, malapit nang magwakas ayon kay Trump

April 16, 2026 11:44 AM
PST

Naniniwala si US President Donald Trump na malapit nang matapos ang digmaan sa Gitnang Silangan.  

Ito ay matapos tiyakin ng Estados Unidos at Iran na nananatili silang bukas sa pagbuo ng kasunduan para sa kapayapaan sa rehiyon.

2:50
Politics

PBBM, nanawagan para sa nagkakaisang Asya sa pagresponde sa energy crisis

April 16, 2026 11:44 AM
PST

Nanawagan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong rehiyon ng Asya ng pagkakaisa para masolusyunan ang krisis sa langis.  

Nagpahayag rin ng suporta si PBBM para sa agarang pagpapatupad ng emergency response mechanism ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.