Back

UNTV News and Rescue

2:18
Politics

Delegates ng maraming bansa sa UNGA, nag-walk out bago magsalita si Israeli PM Netanyahu

September 25, 2026 9:06 AM
PST

Sa nagpapatuloy na 81st session ng United Nations General Assembly sa New York, kabilang sa mga nagsalita ngayong araw si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Bago pa man niya simulan ang kaniyang talumpati, nag-walk out na ang maraming delegado mula sa bulwagan, habang ilang delegado naman ang nag-boo sa Israeli leader.

3:18
Politics

Saudi Arabia, hinarang ang 6 ballistic missiles na umano’y inilunsad ng Houthi rebels

September 25, 2026 9:06 AM
PST

Naharang ng Saudi Arabia ang 6 na ballistic missiles na umano’y inilunsad ng Houthi rebels mula Yemen patungong Taif at Yanbu.

Hiwalay namang inako ng Houthi group ang pag-atake gamit ang dose-dosenang missiles at drones sa mga military site sa Jazan region ng Saudi Arabia.

2:25
Crime & Investigation

Dalawang indibidwal, kabilang ang isang Chinese, arestado sa pagbebenta ng mga pekeng sako ng bigas

September 25, 2026 9:04 AM
PST

Arestado ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang indibidwal, kabilang ang isang Chinese national, dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sako ng bigas sa Bulacan.

Bunsod ang operasyon ng mga pulis ng reklamo mula sa lehitimong brand owner na umano'y kinokopya ng mga suspek.

2:28
Politics

₱7-B flood control projects sa Davao City, naigawad umano sa iisang contractor — NBI

September 25, 2026 9:03 AM
PST

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang nasa ₱7 bilyong halaga ng flood control projects sa Davao City na naigawad umano sa iisang contractor mula 2018 hanggang 2024.

1:44
Politics

Mayor Baste Duterte, hindi agad ico-contempt kung hindi dadalo sa impeachment trial — SP Gatchalian

September 25, 2026 9:02 AM
PST

Bagamat kinumpirma na ng opisina ni Davao City Mayor Baste Duterte na natanggap na nito ang subpoena mula sa Senate impeachment court, wala pa itong ibinibigay na kumpirmasyon kung dadalo sa pagdinig.

Sa kabila nito, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi agad papatawan ng contempt order si Mayor Duterte kung hindi ito sisipot sa paglilitis.