
Pinamamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ginagawang repair sa Buhang flyover na isinara sa publiko matapos makitaan ng mga bitak.
Sa kaniyang pagbisita sa Iloilo kahapon, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na target nitong matapos ang pagkukumpuni sa tulay sa katapusan ng Mayo upang magamit na muli ng mga turista.

Bumili ng bagong Aeronautical Information Service o AIS system ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
May kinalaman ito sa aeronautical information management para tiyakin ang seguridad at control ng mga eroplano sa paliparan.

Nagpadala ng demand letter ang isang Commuter Advocacy Group sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng umano’y mataas na singil at sunod-sunod na safety issues sa Ninoy Aquino International Airport.

Pinatutsadahan ni Malacanang Press Officer Usec. Claire Castro si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ay bilang tugon sa komento ni Roque kaugnay ng pagjo-jogging ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malacanang.

Nagpatupad ng balasahan ang pamunuan ng PNP sa hanay ng ilang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Ito’y kasunod ng mga inalis na opisyal sa Philippine National Police Academy (PNPA).