.jpg)
- Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpatawag na ng special session sa Kongreso sa Miyerkules, June 17; bagong Senate majority, nagpahayag ng kahandaan
- Dalawang basketball athlete ng Ateneo, posibleng biktima ng hazing ayon sa Criminal Investigation and Detection Group; panibagong subpoena, ipapadala sa mga training coach ng Ateneo
- Resignation nina coach Tab Baldwin at team manager Christopher "Epok" Quimpo, tinanggap na ng Ateneo de Manila University; imbestigasyon sa drowning incident, target tapusin ng National Bureau of Investigation ngayong linggo

Isang senior citizen sa Tondo, Manila ang ligtas at maayos na naihatid ng UNTV News and Rescue pabalik sa kanyang tahanan matapos ma-discharge sa ospital.
Maingat na inasikaso ng rescue team ang pasyente sa biyahe bago ito maayos na maipasa sa pangangalaga ng kanyang mga kaanak.

Hindi pa man tuluyang nakakabangon mula sa lindol, isang bahay sa General Santos City ang tinupok ng apoy kanina.
Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection at UNTV News and Rescue upang tumulong sa insidente.

Umaasa ang Department of Energy na bababa ang presyo ng langis at magiging matatag ang suplay nito kapag natuloy ang kasunduan ng Estados Unidos at Iran.
Kabilang sa naturang kasunduan ang ganap na pagbubukas ng Strait of Hormuz. Sa kasalukuyan, tinatayang may mahigit 40 araw na suplay ng diesel, gasolina at LPG ang bansa.

Inanunsyo ni United States President Donald Trump na natapos na ang digmaan at nagkasundo na ang Amerika at Iran sa isang peace deal.
Inihayag naman ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif na nakatakdang lagdaan sa Biyernes ang kasunduan sa Switzerland, habang wala pa ring tugon ang Israel sa naturang anunsyo.