Back

UNTV News and Rescue

4:34
Politics

US at Iran, nakabuo ng kasunduan para sa permanenteng pagtigil ng operasyong militar sa Middle East

June 16, 2026 10:44 AM
PST

Matapos ang mahigit tatlong buwang digmaan, kinumpirma na ng Estados Unidos at Iran na naabot na nila ang isang kasunduan para sa permanenteng pagtigil ng operasyong militar sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Trump, napirmahan na umano ang nasabing kasunduan electronically at nakatakda naman ang official signing ceremony sa Biyernes sa Switzerland.

Hindi pa tukoy ang eksaktong nilalaman ng agreement, subalit ilalabas umano ito sa publiko sa lalong madaling panahon.

2:21
Politics

Impeachment trial ni VP Duterte, inaasahang tuloy pa rin sa July 6 — Senate Secretary

June 16, 2026 10:43 AM
PST

Tuloy-tuloy ang proseso sa Senate Impeachment Court kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Senate Secretariat, nananatili sa takdang schedule ang trial proper na inaasahang magsisimula sa darating na July 6.

1:35
Politics

Planong Blue Ribbon hearing sa labas ng Senado, kinuwestiyon

June 16, 2026 10:43 AM
PST

Walang pahintulot o hindi awtorisado ang planong pagdaraos ng Blue Ribbon Committee hearing sa labas ng Senado ngayong araw.

Ito ang reaksyon ni Senator Erwin Tulfo kasunod ng social media post ni dating Congressman Mike Defensor tungkol sa pagdinig na iniuugnay sa grupo nina Senador Alan Peter Cayetano.

1:47
Politics

Sen. Joel Villanueva, nakahandang dumalo sa special session bukas, June 17

June 16, 2026 10:43 AM
PST

Nagpahayag ng kahandaang dumalo sa ipinatawag na special session ng Kongreso si Senator Joel Villanueva na kabilang sa New Minority o sa Cayetano Bloc.

Ayon kay Senator Villanueva, tutuparin nila ang kanilang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas sakaling matuloy ang special session bukas, June 17.

0:46
Weather & Environment

Governor Generoso, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

June 16, 2026 10:42 AM
PST

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol kahapon, June 15 ang katubigang malapit sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Nilinaw ng Phivolcs na hindi ito aftershock ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Sarangani noong isang linggo.