
Isang dalaga sa Benguet ang isinugod ng UNTV News and Rescue Team sa ospital matapos makaranas ng sunod-sunod na seizure.
Sa Cagayan de Oro City naman, tatlong indibidwal ang nasugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo na agad na nirespondehan ng team.

Marami ang kumukuwestyon ngayon sa nilalaman ng kasunduan sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay United States President Donald Trump, isasapubliko ang nilalaman nito matapos ang formal signing sa Biyernes.
Ano ang mga posibleng pakinabang ng mga bansa sa nasabing kasunduan at bakit ito mahalaga?

Binigyang-diin ng isang law expert na kailangan ang two-thirds vote ng lahat ng miyembro ng Senado upang ma-convict ang isang impeachable official, alinsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas.
Ayon sa eksperto, itinakda ang mataas na threshold na ito upang mapanatili ang institutional stability at matiyak na magagampanan ng Senado ang tungkulin nito.

Naghahanda na ang Senado para sa special session na gaganapin sa June 17.
Kasabay nito ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa loob at labas ng gusali, habang hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian ang lahat ng senador na dumalo sa naturang sesyon.

Naghain na ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng mga senador na pinangungunahan ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Kaugnay ito ng isyu sa quorum sa Senado matapos idaos ang June 3 session na dinaluhan lamang ng 12 senador.