
Ikinalugod ng buong mundo ang balita na tapos na ang digmaan sa Gitnang Silangan kasunod ng pagkakasundo ng Iran at Estados Unidos.
Subalit para sa mga residente ng Iran, Lebanon at Israel na direktang apektado ng gulo, ano ang kahulugan ng Memorandum of Understanding o MOU ng dalawang panig?

Tinawag na kasinungalingan at pawang palabas ng mag-asawang Senador Kiko Pangilinan at aktres na si Sharon Cuneta ang pagdawit sa kanila sa isyu hinggil sa umano’y pagtanggap ng maleta na may lamang pera mula sa flood control projects.
Samantala, mariin ding itinanggi ng mamamahayag na si Arnold Clavio at TV personality na si Mon Tulfo ang mga alegasyon na kasama rin umano sila sa mga tumanggap ng pera mula sa flood control scam.

Naglabas ng preventive suspension order ang Sandiganbayan Second Division laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Kasunod nito, iginiit ng mambabatas na hindi niya gagamitin ang kapangyarihan ng kanyang posisyon upang maimpluwensiyahan ang proseso ng batas.

Nakaalis na kagabi, June 16, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Kazan, Russia.
Pangungunahan ni PBBM bilang chairman ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN-Russia Commemorative Summit mula June 17 hanggang 18.
.jpg)
- Lahat ng senador, pinadadalo ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian sa special session bukas
- Pagnanakaw sa pera ng bayan, pinakamasamang anyo ng katiwalian ayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.
- June 3 session ng grupo ni Sen. Sherwin Gatchalian, ipinapawalang-bisa ng Cayetano bloc sa Supreme Court