.jpg)
- Paghahanda ng Comelec para sa Barangay at SK elections, hindi masasayang sa kabila ng postponement
- Senate President at Senator-Judge Sherwin Gatchalian, tiniyak na tuloy ang impeachment trial kahit may nakabinbing petisyon sa Korte Suprema hangga’t walang umiiral na TRO
- Dating House Speaker Martin Romualdez, ‘pinakaimportanteng’ testigo sa sariling kaso ayon sa kanyang abogado; mahigit 90 testigo, ihaharap ng prosekusyon

Hamon pa rin sa National Food Authority o NFA ang kakulangan sa storage at drying facilities para sa mga inaning palay.
Isa sa pinag-aaralan ng ahensya ang pansamantalang pagbaba sa volume ng buffer stocks upang magkaroon ng sapat na espasyo sa mga bodega sa nalalapit na harvest season.

Patuloy na iniimbestigahan ng Southern Police District ang pamamaril sa manager ng isang condominium sa Makati City kahapon.
Kanina, natagpuan ng mga pulis sa Maynila ang motorsiklong ginamit sa krimen.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng excise tax sa piling produktong petrolyo.
Sa ilalim ng Executive Order No. 125, suspendido ang excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Nag-walkout ang ilang kinatawan ng mga bansa bago magsalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa United Nations General Assembly sa New York, kasabay ng mga kilos-protesta.
Sa kanyang talumpati, tinawag ni Netanyahu na “moral cowards” ang mga nag-walkout at isa-isang binatikos ang mga kritiko ng kanyang administrasyon.