
Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbili ng mga mobile pumping station ngayong taon dahil bukod sa makakatipid, ay madali rin itong ikabit at ilagay sa mga bahaing lugar sa Metro Manila.

Naglabas kahapon ng bagong advisory ang Supreme Court para sa idaraos na oral arguments sa mga petisyon laban sa mga probisyon ng General Appropriations Act o GAA na ipinasa ng administrasyong Marcos noong 2024, 2025, at nitong 2026.
Mula sa unang schedule, mas napaaga ito ng isang araw.

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments o CA ang desisyon kaugnay ng hiling na burahin sa record ang pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta tungkol sa Kalayaan Island Group.
Magugunitang umani ng batikos si Sen. Rodante Marcoleta matapos nitong magmungkahi sa isang hearing noong February 4 na tila dapat nang “isuko” o i-give up ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group.
Iginiit ni House Justice Committee Vice Chairperson at Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na may exception sa Bank Secrecy Law ang impeachment case.
Ito ang sagot ng kongresista nang tanungin kung maaaring buksan ang bank records ni Vice President Duterte.

Walang kinalaman ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bagamat sinusuportahan nila ang pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian, dapat pa rin itong idaan sa tama at legal na proseso.