
Binigyang-diin ng Department of Justice na nararapat pairalin ang legal protection at pangangalaga sa dalawang menor de edad na nasangkot sa shooting incident sa isang paaralan sa Tacloban City kahapon.
Samantala, binisita naman ng kinatawan ng Department of Education ang mga naging biktima ng pamamaril.

Nadiskubre ng pulisya na pagmamay-ari ng isang pulis ang isa sa mga baril na ginamit ng estudyante sa shooting incident sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City kahapon.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang posibleng dahilan ng pamamaril ng dalawang estudyante sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City ay paghihiganti umano dahil sa bullying.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang estudyanteng sangkot sa nangyaring shooting incident sa loob ng San Jose National High School kahapon.

Nagkaloob ng financial assistance at psychosocial support ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga biktima ng nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City kahapon.

- Mga suspek sa pamamaril sa eskwelahan sa Tacloban City, arestado na; bilang ng mga nasawi, umabot na sa mahigit sampu
- Seguridad sa mga paaralan, hihigpitan kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan
- Kampo ni VP Sara Duterte, sinubukan umanong buksan ang isyu ng conviction threshold sa pre-trial conference ayon sa House prosecution team