
Lalong pinalalawak ng North Korea ang modernisasyon ng hukbong-pandagat nito matapos ianunsyo ni North Korean leader Kim Jong Un ang plano ng bansa na bumuo ng mas malalaking barkong pandigma sa mga susunod na taon.
Kabilang sa mga hakbang ang pagpapalakas ng nuclear capability ng navy ng Pyongyang sa gitna ng patuloy na tensyon sa Korean Peninsula.

Tiniyak ng International Atomic Energy Agency o IAEA na magpapatuloy ang mga inspeksiyon nito sa mga nuclear activity ng Iran alinsunod sa Memorandum of Understanding na nilagdaan ng Iran at Estados Unidos sa Switzerland noong June 21.
Nananatili namang tutol dito ang Tehran at iginiit na hindi sila nagbigay ng pahintulot para inspeksiyunin ang kanilang mga pasilidad at nuclear materials.

Bumuo na ng plano ang United Nations shipping agency para mailikas ang mahigit 11,000 marino na na-stranded sa Gulf matapos maharang ang daan-daang sasakyang-pandagat dahil sa sigalot sa pagitan ng Iran, Estados Unidos, at Israel.
Inaasahang makatutulong ang operasyon upang maibalik ang normal na paglalayag sa isa sa pinakaabalang waterway sa buong mundo.

Hindi maaaring desisyunan ng Clerk of Court ang hiling ng House prosecution panel na buksan ang kahon mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR na may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa kanila, nasa impeachment court ang pagpapasya at hindi sa kanilang tanggapan.

Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police ang 15-anyos na estudyante na isa sa mga namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon sa Police Regional Office 8, tatlong counts ng murder, frustrated murder, at multiple counts of serious physical injuries ang isinampa laban sa kinse-anyos na binatilyo, na ngayon ay sumasailalim na rin sa assessment at evaluation ng Prosecutor's Office.