-Halos 60 na mga testigo vs VP Sara, posibleng iharap ng prosekusyon sa impeachment trial
-Magulang ng mga namaril sa SJNHS sa Tacloban City, dapat panagutin ayon sa isang mambabatas
-Karagdagang pondo para sa giyera konta Iran, hiniling ni US President Donald Trump

Isang malakas na lindol na may magnitude na 7.1 ang yumanig ang Venezuelan capital nagdulot ng pagbagsak at pagkawasak ng ilang istruktura sa lungsod ng Caracas.

Pinaigting pa ng pamunuan ng Baguio Public Market ang kampanya laban sa pagdami ng daga sa loob ng palengke.
Kabilang sa mga hakbang ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan sa kalinisan at pagpapasara sa mga stall o pwesto na makikitaan ng daga.

Hindi na maaaring gamitin ang SMS at e-mail one-time password o OTP para sa mga high-risk na online financial transaction simula ngayong araw, June 25.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, papalitan ito ng mas matitibay na paraan ng pagberipika tulad ng biometrics at iba pa.

Itinanggi ni Public Works Secretary Vince Dizon ang lumabas na ulat na ibinalik na umano sa mga opisyal ng Deparment of Public Works and Highways ang contract signing powers.