
Sugatan ang isang motorcycle rider matapos maaksidente nang makasagasa ng asong biglang tumawid sa kalsada sa Davao del Norte.

Posibleng mag-udyok ng pandaigdigang digmaan ang makabagong teknolohiya, lalo na sa larangan ng depensa, ayon kay Russian spokesperson Dmitry Peskov.
Aniya, nakatuon ngayon ang maraming bansa sa pagpapalakas ng kani-kanilang depensa, kaya posibleng mas marami ang mahikayat na bumuo ng mga armas nukleyar.

Dalawang malalakas na lindol ang yumanig sa Venezuela ngayong Huwebes.
Ayon sa US Geological Survey, sampung minuto lamang ang pagitan ng magnitude 7.1 at magnitude 7.5 na lindol, na ang mga sentro ay mahigit 100 kilometro mula sa lungsod ng Caracas.
Dahil sa lawak ng pinsala, wala pang eksaktong bilang ng mga nasawi ang naiuulat.

Nagsimula na ang Department of Education sa pag-audit ng bilang ng mga security personnel at security equipment, kabilang ang mga CCTV at metal detector, sa mga paaralan.
Layunin nitong higpitan pa ang security measures para sa kaligtasan ng mga estudyante kasunod ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Handang harapin ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng testigong ihaharap ng prosekusyon sa nakatakdang impeachment trial sa Hulyo.
Kabilang dito ang misteryosong si Mary Grace Piattos, na umano'y tumanggap ng confidential funds ng bise presidente, maging ang abogado ni VP Sara kung ihaharap man ito bilang testigo laban sa kanya.