
Handa ang House prosecution panel na iharap ang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi siya personal na dumalo sa impeachment trial.
Ayon sa mga tagapagsalita ng prosekusyon, ang hindi pagharap ng Pangalawang Pangulo sa paglilitis ay nagpapakita ng kanyang karakter.

Dumipensa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagang magbitiw siya sa pwesto kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.
Ayon sa Pangulo, ang kanyang administrasyon ang unang nagbunyag ng mga iregularidad sa naturang mga proyekto, isang hakbang na aniya'y hindi ginawa ng mga naunang administrasyon.

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa labas ng Senado bago ang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Nag-deploy ang PNP ng nasa 6,000 pulis bilang paghahanda sa inaasahang mga kilos-protesta sa paligid ng Senado.

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa loob at labas ng Senado ilang oras bago magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Naglatag ng mga hakbang ang mga awtoridad upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa paligid ng gusali.

Dinala si Sen. Rodante Marcoleta sa CIDG sa Camp Crame matapos umalis sa Sandiganbayan.
Isasailalim siya sa booking procedure kaugnay ng kasong plunder.