
Iba’t ibang insidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa Bacolod City, isang naaksidenteng rider ang kanilang sinaklolohan, habang isang babae naman na nakagat ng pusa ang tinulungan ng team na madala sa ospital.

Humarap sa Sandiganbayan bilang testigo si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo.
Dito isiniwalat ng dating undersecretary kung paano siya umano’y nakatanggap ng mga “balato” mula kay dating Cong. Zaldy Co.

Sinagot ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang patuloy na paggiit ng China na may bisa ang liham ni dating Ambassador Bienvenido Tan noong 1990.
Ayon sa kanya, walang bisa ang nasabing sulat na umano’y nagsasaad ng pagsuko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Sinimulan na ng International Energy Agency ang paglalabas ng kanilang reserbang langis upang mabalanse ang presyo sa pandaigdigang merkado.
Unang makikinabang sa nasabing oil reserves ang mga developing countries sa Asia at Southeast Asia na lubhang apektado ng kasalukuyang krisis.

Tinuligsa ng abogado ng mga complainant sa ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang naging tugon ng kampo nito sa reklamo.
Inaasahan naman ang muling pag-akyat sa Korte Suprema ng kampo ng Bise Presidente kaugnay ng impeachment proceedings.