
Opisyal nang pinalitan ang pangalan ng Palm Beach International Airport sa Florida, USA.
Mula ngayong araw, kikilalanin na ito bilang Donald J. Trump International Airport.

Itinakda sa July 15 ang oral arguments sa mosyong ipa-subpoena ang tax at bank records nina Vice President Sara Duterte, Atty. Manases Carpio, at ilang kumpanyang iniuugnay sa kanila.

Kritikal ang Batanes at Luzon Strait sa umano'y plano ng China na sakupin ang Taiwan pagsapit ng 2027.
Ito ang pagtataya ng isang eksperto matapos lumabas ang ulat tungkol sa isang symposium sa China kung saan tinalakay ang umano'y pag-aangkin ng Beijing sa Batanes.
Iginiit ng Department of National Defense (DND) at Philippine Coast Guard (PCG) na walang legal na batayan ang naturang claim.

Umabot na sa 91 na flights sa Visayas at Mindanao ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Batay sa pinakahuling tala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hanggang alas-10 ng gabi nitong Hulyo 9, 88 domestic flights ang nakansela, habang 3 ang na-divert.

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga manggagawa habang nananalasa ang bagyo.