
Iniulat ng Israel intelligence na inihahanda ng Iran ang isang planong assassination laban kay United States President Donald Trump.
Ayon sa ulat, lumitaw ang babala kasunod ng matitinding pag-atake sa mga pasilidad ng enerhiya at transportasyon ng Iran.

Nagbabala ang mga awtoridad sa China sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang pagbaha laban sa pagkalat ng venomous snakes na nakawala matapos umapaw ang tubig dulot ng Typhoon Maysak.
Samantala, gumagamit na ang Chinese government ng makabagong kagamitan upang masagip ang mga residenteng na-trap sa mga lugar na mahirap marating.

Dalawampu't isang senator-judges lamang ang dumalo sa unang linggo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na hilingin sa Sandiganbayan na payagang makadalo at makasubaybay sa impeachment trial ang kanilang mga kasamahang kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng batas.

Naniniwala ang isang political analyst na posibleng may impluwensiya pa rin ang Malacañang sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa analyst, may mensaheng nais iparating ang naging pagdalo ng Pangalawang Pangulo sa Senado sa simula ang paglilitis.
- Oral arguments sa subpoena ng tax at bank records ni VP Sara Duterte, itinakda sa July 15
- Pag-aangkin ng China sa Batanes, gawa-gawa lang at hindi dapat patulan ayon sa DFA
- Malalakas na alon, nararanasan sa Batanes bunsod ng Bagyong Inday