
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

- Susunod na witness sa impeachment trial, ipaliliwanag ang resulta ng imbestigasyon sa umano'y threat videos ni VP Sara ; Box ng tax records ni VP Sara, 'di pwedeng buksan kung walang awtorisasyon ng Pangulo ayon kay Sen. Lacson
- Sen. Escudero, bukas sa posibleng pagkuwestiyon sa SC kaugnay ng 16-vote conviction threshold
- Sen. Marcoleta, bumubuti na ang kondisyon; posibleng humarap sa Sandiganbayan sa July 15

Inanunsyo ng Iran ang muling pagsasara ng Strait of Hormuz, ngunit pinabulaanan ito ng Estados Unidos at iginiit na nananatiling bukas ang mahalagang rutang pandagat.
Samantala, nangako ang bagong Supreme Leader ng Iran na ipaghihiganti nito ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Ayatollah Ali Khamenei.

Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang flag-raising ceremony sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award.
Sa kaniyang pagbisita sa tanging isla sa Kalayaan Island Group na may permanenteng sibilyang komunidad, iginiit ng kalihim na dapat pabilisin at higit pang palakasin ng Pilipinas ang depensa at paghahanda sa West Philippine Sea.

Nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto na fake news ang kumakalat na post sa social media hinggil sa umano'y preventive suspension order na inilabas ng Office of the Ombudsman laban sa kaniya.