
- PBBM, wala umanong kinalaman sa imbestigasyon ng NBI laban kay VP Duterte ayon sa ikalawang witness ng prosekusyon na si Atty. Jeremy Lotoc
- Senator-judges, kinuwestyon ang NBI sa kawalan ng inter-agency probe sa umano'y banta kay PBBM
- Pagpapatatag ng ugnayan ng Pilipinas at Singapore, target sa 3-araw na working visit ni PBBM

Inakusahan ng Houthi rebels ang Saudi Arabia na nagsagawa ng airstrikes sa Sana'a International Airport, na anila'y nagwakas sa ilang taong ceasefire sa pagitan ng magkabilang panig.
Ayon sa pamahalaan ng Yemen, tinarget ang runway ng paliparan upang pigilan ang paglapag ng isang eroplanong mula Iran na sinasabing sakay ang delegasyon ng mga Houthi.

Nangako si US Secretary of State Marco Rubio na bubuwagin ng Estados Unidos ang International Criminal Court o ICC at hinikayat ang iba pang bansa na makiisa sa kampanya ng US laban sa nasabing hukuman.

Muling magpapatupad ng blockade ang puwersa ng Estados Unidos sa mga daungan ng Iran kasunod ng patuloy na paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Kasabay nito, inanunsyo ni US President Donald Trump ang plano ng Amerika na kunin ang kontrol sa Strait of Hormuz at maningil sa mga barkong daraan dito.
Mariin itong tinutulan ng Iran at nagbanta ng matinding pagganti sakaling makialam ang Estados Unidos sa pamamahala ng Strait of Hormuz.

Itinanggi ng testigo mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay nito, sinabi rin ng NBI na wala itong verified information tungkol sa umano'y assassin na kinausap ng bise presidente.