
Inatasan ng Saudi Arabia ang military attaché ng Iran at apat pang tauhan ng embahada na lisanin ang bansa sa loob ng bente kuwatro oras matapos ideklarang persona non grata.

Muling sinabi ng Iran na nananatiling bukas ang Strait of Hormuz sa mga barko sa kabila ng umiiral na tensyon sa rehiyon.
Nilinaw ng kinatawan nito sa International Maritime Organization na pinapayagan ang pagdaan ng mga sasakyang pandagat sa Strait of Hormuz.

Ipinahayag ni Israel Defense Minister Israel Katz na lalo pang paiigtingin ng koalisyon ng Estados Unidos at Israel ang mga pag-atake nila laban sa Iran ngayong linggo.
Kasunod ito ng mga pag-atake ng Iran sa tatlong malalaking lungsod sa Israel.

Inaasahang mas titindi pa ang tensyon sa Gitnang Silangan sa mga susunod na araw kasunod ng babala ng Iran na pagganti laban sa ultimatum ni US President Donald Trump.

Muling nagbanta si US President Donald Trump laban sa Tehran.
Taliwas ito sa nauna nitong pahayag na kinokonsidera na umano ng Amerika ang pag-wind down o pagbabawas ng operasyong militar laban sa Iran.