
Serbisyong MCGI sa Good Morning Kuya – 𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐬𝐨, 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐰𝐚
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

-P10.15-B panukalang pondo ng Office of the President, inaprubahan agad ng Senate Finance Committee
-Isang buong araw na impeachment trial kay VP Sara Duterte, sisimulan na mamaya
-Iran, pinag-aaralan ang tugon ng U.S. sa ceasefire proposal

Napilitang bumalik sa Saudi Arabia ang isang FlyDubai flight na patungo sana sa Israel matapos umanong saksakin ng co-pilot ang kapwa nito piloto at tangkaing ibagsak ang eroplano.
Itinuturing ng Israel ang insidente bilang posibleng tangkang terror attack, habang sinabi naman ng airline na hindi pa malinaw ang dahilan ng insidente.

Mataas pa rin ang morale ng mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pagkaudlot ng rotation and re-supply o RoRe mission noong nakaraang linggo dahil sa paglapit ng mga barko ng China Coast Guard at PLA Navy sa Ayungin Shoal.
Ayon sa AFP, sapat pa ang supplies ng mga sundalo at patuloy ang paghahanda para sa susunod na RoRe mission.

Pinalalakas na ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police ang kanilang intelligence gathering laban sa criminal gang na True Brown Style (TBS).
Ang grupo umano ang nagre-recruit ng mga kabataan sa mga barangay sa bansa upang maging mga kriminal.