
Kapwa magsasampa ng reklamo ang magkabilang kampo na sangkot sa nangyaring road rage sa Quirino Avenue, Quezon City.
Nangyari ang insidente matapos na magkagitgitan ang driver ng bus at motorsiklo sa bahagi ng Quirino Highway.

Nagpulong ngayong May 7 ang Foreign Ministers ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Cebu.
Kabilang sa mga naging sentro ng usapan ang tensyong nagaganap sa Gitnang Silangan.

Nagsampa ng reklamo si Energy Secretary Sharon Garin sa Department of Justice laban sa matataas na opisyal ng Solar para sa Bayan Corporation.
Kabilang dito ang Chairman at Chief Executive Officer ng kumpanya na si Congressman Leandro Leviste.

Basura kung ituring ni Vice President Sara Duterte ang tsismis na binato umano niya ng laptop si Atty. Michael Poa. Hindi aniya siya kailaman nagtapon ng anumang gamit sa isang kasama sa trabaho.

Nagbabala ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa matinding pressure na kinakaharap ng mga magsasaka at mangingisda sa kasalukuyan.
Ayon sa grupo, marami na sa kanila ang nag-iisip na huwag munang magtanim dahil sa pagkalugi.