Back

UNTV News and Rescue

3:59
Politics

Paglawak pa ng mga maaapektuhan ng digmaan sa Gitnang Silangan, inaasahan

July 22, 2026 1:09 PM
PST

Inaasahan pa ang pag-igting ng sagupaan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos kasunod ng banta ng magkabilang panig na palalawakin pa ang kanilang mga operasyong militar.

Muli namang iginiit ni US President Donald Trump na gusto umanong makipagkasundo ng Iran, subalit wala na umanong interes dito ang Washington.

3:59
Politics

Saudi Arabia, kinondena ang maritime blockade threat ng Houthi

July 22, 2026 1:09 PM
PST

Kinondena ng Saudi Arabia ang deklarasyon ng Iranian-backed Houthi rebels na pagpapatupad ng maritime blockade laban sa Saudi at pag-target sa mga barkong papasok at palabas ng mga daungan nito.

Nagbanta rin ang Houthi ng mas matinding aksyon kung magpapatuloy ang umano'y pagharang ng Saudi sa Yemen at lalo pang lalala ang tensyon sa rehiyon.

4:18
Politics

Medical evacuation sa 2 sugatang PH Navy, tinangkang harangin ng Chinese Coast Guard

July 23, 2026 1:32 PM
PST

Tinangkang harangin umano ng Chinese Coast Guard ang isinagawang medical evacuation ng Philippine Coast Guard sa dalawang Pilipinong sundalo na nasugatan matapos ang insidente noong Lunes, July 20.

Sa kabila nito, matagumpay pa ring naisagawa ang medical evacuation.

2:59
Politics

Paggamit sa affidavit ni Arturo Lascañas, kinuwestyon sa Senate Impeachment Court

July 22, 2026 1:07 PM
PST

Aminado ang House prosecution na hindi notarized ang affidavit ng self-confessed Davao Death Squad member na si Arturo Lascañas na binasa sa ikawalong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kinuwestiyon ng depensa ng pangalawang pangulo ang paggamit nito ng prosecution at iginiit na wala itong wet signature at hindi man lang notarized ang dokumento, kaya't itinuturing lamang itong scrap of paper.

1:54
Politics

Limang senator-judges, tutol sa paglalabas ng tax at bank records ni VP Sara

July 22, 2026 1:07 PM
PST

Naghain ng magkakahiwalay na manifestation ang limang senator-judges na sina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Imee Marcos, Loren Legarda, at Camille Villar upang tutulan ang paglalabas ng tax at bank records ni Vice President Sara Duterte.

Ang pagtutol ay kasunod ng desisyon ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis "Chiz" Escudero na maglabas ng subpoena sa Bureau of Internal Revenue o BIR at Anti-Money Laundering Council o AMLC.