Back

UNTV News and Rescue

2:37
Politics

2 barko ng Saudi Arabia, inatake ng Houthis sa Red Sea; crew, ligtas

July 23, 2026 9:58 PM
PST

Dalawang barko ng Saudi Arabia ang inatake ng Iran-backed Yemeni Armed Forces malapit sa Bab al-Mandeb Strait sa Red Sea.

Naganap ang pag-atake kasunod ng pambobomba ng Amerika sa mga imprastraktura ng Iran.

Ayon sa Saudi government, ligtas ang lahat ng tripulante ng dalawang barko.

‍

3:38
Politics

US, magpapadala umano ng supersonic bombers sa Middle East laban sa Iran

July 23, 2026 9:57 PM
PST

Dinagdagan umano ng Iran ang mga nakatanim na bomba sa Strait of Hormuz, ayon sa Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Samantala, magpapadala umano ang Estados Unidos ng supersonic heavy bombers sa Middle East bilang bahagi ng pinalalakas nitong military deployment laban sa Iran.

‍

3:43
Crime & Investigation

Ex-bodyguards ni Zaldy Co, iimbitahan sa susunod na Blue Ribbon hearing ayon kay Sen. Erwin Tulfo

July 23, 2026 9:57 PM
PST

Hindi isinasantabi ng Senado ang mga legislative work nito sa kabila ng nagpapatuloy na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, inaasahang itatakda matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan iimbitahan ang mga dating bodyguard ni Zaldy Co.

‍

2:37
Politics

VP Sara resignation, hindi kailanman napag-usapan ayon kay Atty. Michael Poa

July 23, 2026 9:57 PM
PST

Ayon kay Defense spokesperson Atty. Michael Poa, hindi nila kailanman napag-usapan ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad na magbitiw ito sa pwesto.

Itinanggi rin ni Poa na may kinalaman ang defense team sa hiling ng Office of the Vice President na sagutin ng Senado ang pagkain ng kanilang kampo.

‍

54:06
Crime & Investigation
Entertainment
Health & Lifestyle
Lifestyle
Politics

UNTV: C-NEWS | July 23, 2026

July 23, 2026 9:56 PM
PST

- Subpoena sa financial records ni VP Sara naipadala na ng Senate impeachment court; Umano’y pagwaldas sa confi funds, tatalakayin sa impeachment trial

- COMELEC at LGU, muling nagpulong para sa special election sa Cavite

- PNP, nagbabala laban sa ‘quishing’ scam