- Pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte, hindi napag-uusapan ayon kay Atty. Michael Poa; depensa, walang kinalaman sa food request ng OVP
- Pang. Ferdinand Marcos Jr., iginiit kay Chinese Ambassador Jing Quan na huwag nang ulitin ang mararahas na insidente sa Ayungin Shoal
- Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., pinagsabihan ang China sa pakikialam sa teritoryo ng Pilipinas
.png)
Inilahad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naging resulta ng mga programa at serbisyong ipinatupad nito sa nakalipas na isang taon, kabilang ang mga hakbang laban sa gutom, kahirapan, at para sa proteksyon ng mga bulnerableng sektor.
Umaasa ang ahensya na mabibigyang-diin sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasabatas ng ilan sa mga pangunahing programa nito upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga ito.
.png)
Pinawi ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pangamba ng publiko kaugnay ng pagtatayo ng Pax Silica Hub sa New Clark City.
Ayon sa BCDA, hindi maaapektuhan ang suplay ng tubig, kalikasan, at seguridad sa lugar. Bukod dito, inaasahan ding makalilikha ang proyekto ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Dalawang barko ng Saudi Arabia ang inatake ng Iran-backed Yemeni Armed Forces malapit sa Bab al-Mandeb Strait sa Red Sea.
Naganap ang pag-atake kasunod ng pambobomba ng Amerika sa mga imprastraktura ng Iran.
Ayon sa Saudi government, ligtas ang lahat ng tripulante ng dalawang barko.
.png)
Dinagdagan umano ng Iran ang mga nakatanim na bomba sa Strait of Hormuz, ayon sa Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Samantala, magpapadala umano ang Estados Unidos ng supersonic heavy bombers sa Middle East bilang bahagi ng pinalalakas nitong military deployment laban sa Iran.