
Ang plastic ay hindi na lamang polusyon na problema sa ating kapaligiran kundi isang panganib na din na pumapasok at nakikita sa loob ng ating katawan.
Alamin kung paano nakakapasok sa katawan ng tao ang microplastic at ang panganib na dulot nito sa ating kalusugan.
.jpg)
Lagnat lang ba o dengue at leptospirosis na!
Sa panahon ng tag-ulan, mahalagang malaman ang pagkakaiba ng dalawang sakit na ito dahil maaaring magkapareho ang ilang sintomas pero magkaiba ang tamang gamutan.
Bago ka mag-self-diagnose o mag-Google ng sintomas, panoorin muna ito.
Maaaring makatulong ang impormasyong ito sa iyo at sa iyong pamilya.
CONTENTS:
• Saan nakukuha ang dengue at saaan nakukuha ang leptospirosis?
• Ano ang mga palatandaan na maaaring dengue ang sakit at hindi simpleng viral infection?
• Ano naman ang mga sintomas na mas karaniwang nakikita sa leptospirosis na dapat bantayan?
• Ano ang mga warning signs na nagsasabing lumalala na ang dengue o leptospirosis?
• Ano ang laboratory tests para ma-diagnose ang dengue at leptospirosis?

Alamin kung paano i‑manage ang acne mula mild hanggang severe. Ang tamang gamot tulad ng benzoyl peroxide, salicylic acid, antibiotics, at isotretinoin gayundin kasama ang mga pag‑iingat at kaugnayan nito sa PCOS.

Alam mo ba na ang HPV ay isang karaniwang virus na maaaring magdulot ng ilang uri ng kanser at iba pang sakit?
Sa kabila nito, may bakuna na makatutulong upang mabawasan ang panganib ng mga sakit na dulot nito.
Ating pag-usapan ang mahahalagang bagay na dapat nating malaman tungkol sa HPV vaccine—kung paano ito nagbibigay ng proteksyon laban sa HPV, sino ang maaaring magpabakuna, at bakit mahalaga ang maagang pagkakaroon ng proteksyon—kasama si Dr. Jocelyn Zamora-Maria isang OB-Gynecologist.

Bagaman napakarami nang Electric Vehicles at brands na dumating sa Pilipinas, marami pa rin ang duda sa practicality nito. Isa sa mga madalas na tanong ay kaya ba nitong lumusong sa baha?
Baka hindi sulit yung mahal na upfront cost? At higit sa lahat ay ang range anxiety na pinoproblema pati ng mga wala pang EV.
Ano nga ba ang magiging driving life mo kapag naka-EV ka? Panoorin sa video na ito.