Back

UNTV News and Rescue

5:40
Health & Lifestyle

BMPI-UNTV at Little Ark Foundation, may dagdag na tulong para sa mga batang may cancer

July 24, 2026 9:52 PM
PST

Nagkaisa ang BMPI-UNTV at Little Ark Foundation upang mapalawak ang tulong para sa mga batang may cancer at kanilang mga pamilya na nangangailangan ng suporta habang nagpapatuloy ang gamutan.

Layunin ng inisyatiba na makatulong sa gastusin sa matutuluyan, pagkain, at iba pang pangangailangan ng mga pasyente upang maipagpatuloy ang kanilang pagpapagamot.

‍

1:04
Crime & Investigation

Janet Napoles, guilty sa 10 counts ng graft at 10 counts ng malversation

July 24, 2026 9:49 PM
PST

Hinatulan ng Sandiganbayan 6th Division si Janet Lim Napoles ng guilty sa 10 counts ng graft at 10 counts ng malversation.

Sinentensiyahan siya ng 12 hanggang 15 taong pagkakakulong sa bawat count ng graft, at 17 hanggang 20 taon sa bawat count ng malversation.

‍

2:53
Politics

Iran, tumanggi sa ceasefire ng Amerika; pag-atake, ibabaling na sa Israel

July 24, 2026 9:43 PM
PST

Bigo ang Iraq na mahikayat ang Iran na pumayag sa ceasefire na isinusulong ng Amerika.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, hindi ang mga bansang namamagitan ang problema kundi si US President Donald Trump.

Nagbabala rin ang Iran na ibabaling nito ang mga pag-atake sa Israel kung hindi titigil ang Amerika.

‍

4:29
Politics

House prosecution panel, pinag-aaralan ang pagbabago sa paghahain ng ebidensya sa impeachment trial

July 24, 2026 9:43 PM
PST

Kinumpirma ng House prosecution panel na pinag-aaralan na nito ang posibleng pagbabago sa paraan ng paghahain ng ebidensya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Gayunman, tuloy ang paghahanda ng prosekusyon para sa pagharap ng mga testigo kaugnay ng ikalawang Article of Impeachment, na may kinalaman sa umano'y maling paggamit ng confidential funds ng Bise Presidente.

‍

3:39
Politics

Mga reporma sa flood control, aabangan sa SONA – SP Gatchalian

July 24, 2026 9:40 PM
PST

Handa na ang Senado para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 27.

Umaasa si Senate President Sherwin Gatchalian na tatalakayin ng Pangulo ang mahahalagang isyung kinaharap ng bansa nitong nakaraang taon, kabilang ang mga repormang magtitiyak na hindi na mauulit ang mga isyu sa flood control.

‍