
Aminado ang isang House Deputy Speaker na may kirot para sa kanila na mabanggit sa SONA ng Pangulo si dating House Speaker Martin Romualdez.
Lalo na’t hanggang sa kasalukuyan, kasamahan pa rin nila ito sa Kongreso.

Naniniwala ang isang consumer group na mas mainam na tanggalin ang buong value-added tax o VAT sa bill ng kuryente kaysa sa panukalang pagtanggal ng system loss charges, na barya lang umano ang epekto sa bill ng kuryente.

Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng patas na singil sa kuryente sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga hindi nararapat na ipinapataw na bayad sa electricity bill.
Ito ang muling inihayag ng Pangulo sa inagurasyon ng Energy Museum, kasabay ng ika-25 anibersaryo ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law.

Hindi pa lalabas ng detention facility ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon mismo kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang binigyang-linaw ni VP Sara sa isang panayam sa The Hague matapos niyang bisitahin ang dating Pangulo.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/