
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo ng Good Morning Kuya, mas paiigtingin at palalawakin pa ng programa ang paghahatid ng serbisyo publiko.
Magsisimula ang mga bagong inisyatiba at pinalawak na serbisyo sa Lunes, August 3.

Arthritis nga ba ang kapalit ng nakasanayang pagpuputok ng daliri?
Alamin kung ano talaga ang pinagmumulan ng naririnig na tunog at kung ano ang sinasabi ng mga pag-aaral tungkol dito.

Nanganganib ang seguridad sa mga lungsod ng Ceuta at Melilla matapos ilegal na makapasok ang libo-libong migrants mula sa Morocco sa border ng Spain, na nagdulot ng pangamba sa mga residente at awtoridad.
Kasunod ito ng pahayag ni Spain Prime Minister Pedro Sánchez na bukas ang kanilang border para sa mga migranteng maaaring makatulong sa pangangailangan ng ekonomiya ng bansa.

Naglabas si Senator Panfilo "Ping" Lacson ng panibagong impormasyon kaugnay ng umano'y ghost projects sa Taguig City.
Ayon sa senador, natukoy na ang umano'y money trail o daloy ng pondo sa mga proyekto, habang ilang infrastructure projects umano ang gumamit ng pekeng mga larawan at may isyu rin ng double appropriations.

Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) ang signature o posibleng pagkakaugnay ng bombang natagpuan sa bisinidad ng Department of Justice (DOJ) at malapit sa Senado.
Ayon sa PNP, malapit na nilang matukoy at maaresto ang grupong responsable sa naturang bomb scare.