Back

UNTV News and Rescue

2:35
Politics

Israel, nagpahayag ng pangamba sa U.S. hinggil sa Hamas disarmament plan

August 4, 2026 1:02 PM
PST

Ipinarating na ng Israel sa Estados Unidos ang pangamba nito kaugnay ng planong pagdisarma sa Hamas sa ilalim ng U.S.-backed peace framework.

Patuloy na iginiit ng Israel na hindi ito aatras sa Gaza at mananatiling naka-deploy ang mga puwersa nito hangga’t hindi ganap at napapatunayang nagsuko na ng armas ang Hamas.

2:18
Politics

Trump, nagbabala na ito na ang huling pagkakataon ng Iran para pumirma sa kasunduan

August 4, 2026 1:02 PM
PST

Tinawag ni US President Donald Trump na huling pagkakataon na ng Iran ang nakatakdang pakikipag-usap nito sa Estados Unidos upang makabuo ng kasunduan at maiwasan ang panibagong malawakang pag-atake.

5:32
Politics

Iran, nilinaw na hindi sila nakikipag-negosasyon sa Estados Unidos

August 4, 2026 1:02 PM
PST

Nanindigan ang Iran na walang umiiral na negosasyon sa pagitan nila at ng Estados Unidos at tanging sa Oman lamang sila nakikipag-usap kaugnay ng pamamahala sa Strait of Hormuz.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni US President Donald Trump na nakipag-usap ang Iran sa kanya para sa isang kasunduan, dahilan para kanselahin ng US ang nakatakda sanang malawakang pag-atake ng Washington laban sa Tehran.

5:54
Politics

72 patay sa pagtawid ng libo-libong migrante mula Morocco patungong Ceuta

September 4, 2026 8:30 PM
PST

Umakyat na sa 72 ang bilang ng mga nasawi sa pagtawid ng libo-libong migrante mula Morocco patungo sa Spanish enclave na Ceuta.

Sinisi naman ng pamahalaan ng Morocco ang maling impormasyon sa social media, mga human trafficking group, at maling pagkakaunawa sa isang desisyon ng korte sa Spain sa biglaang pagdagsa ng mga migrante.

1:10
Politics

Umano’y grupong nagnais magbanta sa buhay ni PBBM, tukoy na ng NBI

August 4, 2026 1:01 PM
PST

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na may natukoy na silang grupo na nais umanong magbanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nadiskubre ito ng NBI kasabay ng isinasagawang imbestigasyon sa death threat na natanggap ni Senator Risa Hontiveros.