
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Tropical Storm na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

-Isasampang mga kaso vs. Rep. Martin Romualdez, itinuturing na “grandest case” ng Ombudsman at first time sa history ng Pilipinas
-PBBM at Emperor Naruhito, nagpalitan ng mataas na parangal bilang pagkilala
-Mosyon ukol sa remote attendance sa session, itutulak ng majority na maaprubahan ayon kay Sen. Imee Marcos; iginiit na pinakikialaman ng Malacañang ang Legislative Department

Sa ikalawang pagkakataon, tinamaan ng Russian missile ang isang warehouse ng pagkain ng United Nations World Food Program sa Ukraine.
Aabot sa mahigit isang milyong halaga ng food packs na kasya sa mahigit isandaang libong indibidwal ang nasayang sa pagtama ng Iskander ballistic missile ng Russia.

Nangangamba ang ilang residente sa Marikina City kung mauulit muli ang mala-Bagyong Ondoy na sama ng panahon sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Isa-isa nang inihahanda ng Office of the Ombudsman ang mga kasong isasampa laban sa matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Ombudsman Remulla, itinuturing nilang “grandest case” ang kakaharapin ni dating House Speaker Martin Romualdez.