
Nakiusap si Senator Loren Legarda na huwag bigyan ng maling konklusyon ang kanyang medical leave matapos maiulat ang kanyang paglabas ng bansa noong nakaraang linggo, August 2.
Ang pahayag ay inilabas sa gitna ng mga imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y maanomalyang solar projects.
- Pahayag ni Vice President Sara Duterte na magulo ang impeachment trial, ikinababahala ng prosekusyon; Bise Presidente, hinamon na sagutin ang mga alegasyon sa halip na kwestiyunin ang integridad ng proseso
- Senate Blue Ribbon Committee, hindi na itutuloy ang flood control hearings; imbestigasyon sa umano'y maanomalyang flood control projects, ipinauubaya na sa Ombudsman
- Sen. Loren Legarda, nag-file ng medical leave sa Senado; foreign trip ng senadora, hindi alam ni Senate President Sherwin Gatchalian

Bigong makausad sa Round 2 ng doubles event ng National Bank Open sa Toronto, Canada ang tambalan nina Alex Eala at beteranang si Venus Williams.
Natalo ang dalawa sa tambalan nina Miyu Kato at Liudmila Samsonova sa straight sets, 4–6, 3–6.
.png)
Ipapasa na ng Senate Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman ang mga imbestigasyon ng flood control scandal.
Ayon kay Senator Erwin Tulfo, ibang isyu ang tututukan ng kanilang komite.
.png)
Nag-uwi ng mga medalya ang Pilipinas mula sa prestihiyosong NeoScience Olympiad sa New York, Estados Unidos.
Nagwagi ang Grade 9 student na si Sarah Sophia Cabodil sa tatlong kategorya ng naturang international competition.