
Matagumpay na naihatid ng Serbisyong MCGI ang iba't ibang libreng serbisyo sa limang komunidad sa unang linggo pa lamang ng pag-ere nito sa programang Good Morning Kuya sa UNTV.

Nagtagumpay si Alex Eala laban sa American tennis player na si Caty McNally sa score na 6-3, 5-7, 6-4 sa Round of 32 ng National Bank Open sa Toronto, Canada.
Sa kabila ng paghingi niya ng medical timeout sa ikalawang set dahil sa naramdamang injury sa kanang paa, nakuha pa rin ni Eala ang panalo.

Pinawalang-bisa ng Pentagon ang access ni dating United States Air Force Secretary Frank Kendall sa classified information ng militar ng Estados Unidos.

Lumagda sa kasunduang pangdepensa ang Saudi Arabia, Pakistan, at Turkey bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang ugnayang militar at seguridad.
Ayon sa kasunduan, ang pag-atake sa alinman sa tatlong bansa ay ituturing na pag-atake laban sa kanilang lahat.

Hindi mapipigilan ng pagbaliktad ng ilang nagpapakilalang dating bodyguards ni Zaldy Co ang imbestigasyon laban sa dating House Speaker.
Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, gagamitin pa rin bilang ebidensya sa korte ang mga sinumpaang salaysay na isinagawa sa kanilang tanggapan.