
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

-Ilang lugar, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa matinding pinsala ng mga pag-ulan; DSWD, nakapagpamamahagi na ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa bansa
-₱60-B flood control projects sa Cebu, sisilipin ng Ombudsman
-2 U.S. Department of War officials, nakipagkita kay PBBM

Base sa impormasyong nakuha ng Ukraine, tinatayang nasa 30,000 hanggang 50,000 na karagdagang sundalo ng North Korea ang ipadadala sa Russia.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, makakakuha ang mga North Korean troops ng karanasan sa modern warfare sa pakikipaglaban kasama ng Russia.

Inatake ng Iran-backed Houthi rebels ang Jazan oil refinery ng Saudi Aramco sa Saudi Arabia gamit ang drone.
Ang mga pag-atake ay nangyari dalawang araw matapos lumagda ang Saudi Arabia, Turkey at Pakistan sa isang joint defense agreement.

Tinawag ng Iran ang sarili nito na professional chess player bilang sagot sa paghahalintulad ni US President Donald Trump sa kasalukuyang tensyon sa Gitnang Silangan sa larong chess.
Giit ng Tehran, napatunayan na umano ng mga Iranian na kaya nilang sabayan ang Estados Unidos sa naturang laro, mapalihim man o hayag ang mga hakbang nito.